Please make some Title
Tuesday, September 1, 2009 | 2:05 PM | 1 ♥Comments
Please make some Title
I had read a poem that there's no title and a writer;
The only thing I know that the writer wants the reader
to give the title as he/ she read and understand the the poem
Please give some.
Malamig ang haplos ng hangin sa silong ng Acacia;
Ang mga dahon nito' y bumubuo ng isang kalupaang
humaharang sa pagtalsik ng liwanag na ibinubuga bg tanghaling araw.
Animo' y pinapahiran ng langis ang mga kumikislap na berdeng dahon,
sa ilang siwang ng mga ito' y nakaulos ang mga sibat na sinag na nagpapahapdi sa aking balat kapag nadadampian.
Sa sahig ng puno' y nakalatag ang mga tuyong dahon
habang nakausli ang mga siit at dahong umaahon mula sa pagkakaragan
Nakatumbok ang bahagi ng lupang nakatanday sa mga bnti ng Acacia.
Samantalang nalilingkis ang troso nito ng mga baging at galamay ng kadagawan.
Mula sa lilim ay makisig at matangkad na katawan
ng Acacia ang bumabayumbong sa bawat ikubli ng
anino nito;
Ang mga sangay tulad ng mga braso ng boksingero
busog sa laman at bugbog sa ehersisyo;
Ang bawat sangay parang kidlat na sa kakaunat
ay tinubuan ng maraming kamay.
Kunat na buhok ng dilag ang anyo ng mga dahon;
Waring inaalon ng hangin ang bawat hiblang
nakalugay paakyat sa bawat sulok ng langit.
Parang pakpak ang buong punongkahoy;
Kagaya ng ibon sa lumililim sa mga sisiw
na sa sandaling bulabugin ng hangin
ay ikakawag ang mga sanga nito't
animo'y nais lumipad.